mood:  sad music: Dead Can Dance - Rainbow Voice
|
http://services.inq7.net/express/06/07/31/html_output/xmlhtml/20060731-12709-xml.html
http://www.deviantart.com/deviation/37277407/
"Patay na c ambo. lfs dati sa uplb. binaril s bus terminal s bulan, sorsogon mga 6am ngaung araw. 31-Hulyo-2006 08:39:03"
"Bday nya khp0n. Pbalik xa s legaspi ngaung umaga kc nga dun xa
nag-aaral. Kasama nya mga kapatid. Sa bus xa binaril kc nag-aantay dun
ung asailant. Tmbang style. 31-Hulyo-2006 13:45:48" "Wla pang cartographic sketch pero may pnadala n ang pulisya ng gagawa ng sketch. 0ng0ing ang investigati0n sa PNP-Bulan. 31-Hulyo-2006 13:46:06"
"Maraming salamat at kayo na lang pinagkukunan naming pamilya ng lakas
para bakahin ang hinagpis at kirot sa kanyang pagkawala, at ang kanyang
mga alaala na lamang ang nananatiling bumibigkis. ibayong ingat mga
anak ng bayan...Mula sa tatay ni Ambo. -Dagñalan, Karen: +63918XXXXXXX 3- Agosto-2006 08:55:13" ------------ Nang makita ko ang litrato niyo nina Cris Hugo,
saka pa lamang bumuhos ang luha. Ambo, pasensya ka na, hindi ako
nakapunta sa iyong parangal sa Los Baños. Naaalala ko pa yung biyahe
natin papuntang Sorsogon kasama nina Kaka at ni Jo. pumunta tayo kina Jarek
sa Tabaco, Albay, bago pumunta sa bahay niyo sa Sorsogon. ipinakilala
mo pa nga kami sa mga kapitbahay niyo, sa dati mong guro noong
elementarya, at doon tayo tumuloy sa bahay ng pamilya mo. Nagpunta pa
nga tayo sa Irosin hot springs at sandaling nagkuwentuhan tungkol sa
mga plano natin sa buhay. Kahit sa bahay sa LB, puro masasayang alaala
ang dumadampi sa isipan dahil lagi ka naman kasi nagpapatawa. Kaya ka
nga tinawag na Rambo, isang malaking biro tuwing nabubulol ka at hindi
makabigkas ng R. Nagiging "Wambo" tuloy kaya ginawa na talagang Ambo
ang pangalan mo. Nang maagasan si Chongki, pasensya ka na at
hindi na ako nakialam. Habang lumipas ang mga taon, bumalik ka na sa
Bicol at kami naman sa LB, sa mahiwagang Kuki Haus nina PJ, ay
nagkanya-kanya na ring buhay. Natuwa ako nung malaman kong nag-aaral ka
na sa Aquinas at nagbabagong-buhay na, mula sa mga kalokohan natin dati
sa LB. Malaking pagbabago talaga. Pasensya ka na at nung huli
naming biyahe pa-Bicol nina Bon, Kat at Migz ay hindi na namin nagawang
dumaan sa Sorsogon. Naisip ko ngang siguro pwede naman kaming magbiyahe
muli para tingnan kung ano na kalagayan niyo diyan. Huli na
pala. Halos hindi ako makapaniwala na ikaw na napakamasayahin at
magaling umangkop sa iba't-ibang ugali ang mauuna pang magbuwis ng
buhay. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaunting panlulumo sapagkat
isa ako sa mga naghikayat sa iyong magpatuloy, kumilos, huwag malulong
sa buhay-bisyo ng mga kabataang wala nang pangarap. Hindi ko inasahan
na dugo pala ang kapalit ng iyong kapasyahan. Pasensya ka na.
Siguro, huli na nga ang lahat at hindi kailanman matutubos ng
pagpapasensya ang kawalan ng hustisya sa pagpaslang sa iyo, katatapos
pa naman ng kaarawan mo. Siguro, hindi rin sapat na manahimik na lang
ako at makuntento sa simpleng buhay estudyante. Siguro, hindi tama na
panlulumo ang maging katapat ng iyong pagsasakripisyo. Ang
isang sigurado, sa harap ng mga nararamdaman kong agam-agam, ay ang
tumitinding pagtutol sa mga paglabag sa mga karapatang pantao. Anumang
solusyon sa krisis na ito, ang inaasahan ko lamang ay ang
pagpapakatatag ng lahat ng mga nagmamahal kay Ambo na patuloy na
sumuong sa hamon ng paglaban. Ambo, hindi kami titigil hangga't walang katarungan para sa iyo at sa lahat ng katulad mo. |