...iyan ang sabi ng housemate kong si
Tom Temprosa, sapagkat tuwing nagkakasakit ako ngayong semestre, laging walang pasok! last time, si Reming at ang Immaculate Conception ang may sala kaya nasa unit lang ako, nakahiga, nilalagnat, naliliyo, dumuduwal, lumulura, dumudugo, habang ang mundo'y nababadtrip dahil sayang ang bihis para sa araw na iyon.
nagkakataon din na kahit hindi ako nakapagbasa, maraming tumutulong, bumubulong na mga katabi kaya nakakalusot ako sa recitation na walang nabubuklat, libro man o kaso. nagkakataong kahit iyak na ako ng iyak sa kotse ni
Ron Enriquez, ewan ko ba kung bakit pumapasa pa rin ako. merong mga palpak din na recit, merong mga bagsak na quiz, pero kahit papaano, hindi ko maipaliwanag kung bakit maganda naman ang kinalabasan ng unang semestre ko sa pag-aaral ng abugasya. sasabihin na naman ni Tom, "Vida, mahal ka ng Diyos!" habang hihirit si Ron, "bakit, iba ba ang Diyos mo sa diyos namin at ganito ang nangyari?! ikaw nga yung iyakin pauwi sa Katipunan tapos ok pala grades mo!"
sinasabi nga ni
Rommel Romato, extracurricular activity ko daw ang law school kaya hanggang ngayon, punta pa rin ako ng punta sa mga tugtugan, dalo ng dalo sa mga art opening, nood ng nood ng mga pelikula, kahit na may pasok kinabukasan, kahit na tiyak, ako naman ang mapagtritripan ng propesor. ewan ko ba. parang gusto ko pa rin patunayan sa sarili ko na may buhay din naman ako sa labas ng law school. gusto kong lumanghap ng sariwang hangin sa labas ng Rockwell, uminom ng serbesa sa labas ng Powerplant/Makati Ave/Jupiter, makipagtalakayan hinggil sa mga bagay sa labas ng Room 301. tuwing 5-minute break, tatanungin ako ni Rommel, "saan ka na naman pumunta kagabi?" sabay hirit tungkol sa pag-aaral.
ngunit sa bawat pagsasalo-salo tuwing hapunan, kapiling ang mga matatalik na kaibigang taga-ALS 1E 2010, bumabalik ang aking determinasyon na manatili sa pag-aaral, magsumikap kahit tinatamad talaga akong magbasa at magmemorya, makilahok sa mga aktibidad sa gusali ng Ateneo kahit gusto ko nang humiga't managinip, magsulat ng magsulat ng magsulat. bumabalik ang bawat araw na kung kailan gusto ko nang sumuko, may marahang alaala na magpapaliwanag, "kung hindi ka magtatapos, paano na lang sila, yung mga walang pambayad, yung mga hindi pinakikinggan, yung mga palagiang biktima ng karahasan?"
binati ko si
Rep. Teddy CasiƱo nung Miyerkules sa isang symposium ng Ateneo Human Rights Centre + Teehankee Centre at agad niyang binanggit na dapat maging boluntir ako ng
Karapatan sa susunod na taon. sa mga panahon ng kagipitan, masisikmura ko bang manahimik at basta na lamang talikuran ang aking mga datihang prinsipyo? sa Arrest the Killings bar tour /
Dong Abay video launch sa Freedom Bar noong biyernes, nailahad sa akin kung paano pinatay ng mga militar ang kaibigan kong si Nika at ginamit ang kanyang bangkay bilang pain sa mga paparating na QRT ng Karapatan. Parang biglang pinunit ang puso ko (siyempre, nakadagdag pa na 2 kanta lang ang itinanghal ni Cynthia Alexander, diba?). Hindi ako makapaniwala na talagang, "saglit lamang ang ating buhay/tilamsik sa dakilang apoy," katulad ng kinanta ni
Joey Ayala sa Awit ng Mortal.
kapag naiisip ko ito, tila kinukumpirma na, oo, tama nga sila, mahal nga ako ng Diyos. kahit gaano man kahirap na iwanan ang aking mga nakaraang pangarap, nakikita ko ngayon na mas mahalaga ang aking tungkulin ngayon, di hamak na mas marami akong matutulungan. siguro, sa bawat kalbaryong tatahakin ngayon ay mayroong mas dakilang plano ang Diyos para sa aking kinabukasan.