How To Embalm Your Sanity in This Lifetime

vida soraya's posts with tag: up

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag up
Blog EntryKagalingan ng isang taga-UPJun 18, '08 2:09 AM
for everyone


Kagalingan ng isang taga-UP

Posted By danny On June 18, 2008 @ 12:47 pm In Konteksto (Pinoy Weekly column) |

N.B. - This was published in Vol. 7, No. 23 (June 18-24, 2008) of Pinoy Weekly (p. 5).

May dahilan para maging sentimental ang lahat ng mga may koneksiyon sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ngayong linggo. Ang Hunyo 18 kasi ang pinakahihintay na ika-100 taon ng UP.

Itinatag noong 1908, susing bahagi ang UP sa pagbubuo ng isang sistema ng edukasyong naaayon sa interes ng mga Amerikano. Ang plano noon ay sa UP pag-aralin ang matatalinong Pilipinong may potensiyal na maging opisyal ng gobyerno.

Pero sa paglipas ng panahon, ang liberalismong ipinalaganap sa UP ay siyang nagtulak sa mga estudyante’t guro nitong maging kritikal sa pambansang kalagayan, lalo na sa papel ng Estados Unidos sa pamamahala ng ating bansa.

Mula sa pagiging instrumento ng dayuhang namumuno, ang UP ay naging sentro ng paglaban sa lahat ng porma ng panunupil. Kahit na sabihing ang aktibismo ng kabataan ay makikita sa maraming unibersidad at komunidad, iba pa rin ang atensiyong ibinibigay sa mga aktibidad na may kinalaman ang UP dahil ito ang tinaguriang premier state university ng Pilipinas.

Hanggang ngayon, ang UP pa rin ang lugar na kadalasang pinagdarausan ng mga importanteng aktibidad. Kahit ang mga indibidwal at mga organisasyong walang pormal na koneksiyon sa UP, pinipiling pumunta sa UP (o nag-iimbita ng mga taga-UP) para mas magkaroon ng kredibilidad ang kanilang gawain.

Sa kabila ng napakaraming mga unibersidad na nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon, hindi pa rin matatawaran ang kalibre ng mga gradweyt sa UP nating mahal. Kahit na sabihing hindi hamak na mas maganda ang mga pasilidad ng ilang pribadong unibersidad, iba pa rin ang diskarte’t paninindigan ng isang taga-UP.

Mula noon hanggang ngayon, ang isang gradweyt ng UP ay inaasahang maging lider sa pinili niyang disiplina. Sa unang taon pa lang niya sa UP, alam na ng isang estudyante ang hamon sa kanyang magpakadalubhasa at huwag sayangin ang apat na taon o higit pang ilalagi niya sa unibersidad.

Pero bukod sa pagpapaunlad ng pang-akademikong kaalaman, hinihikayat din ang mga estudyante ng UP na lumahok sa napakaraming aktibidad sa loob at labas ng kampus. Ang liberal na edukasyon, para sa kanila, ay nangangahulugang ang kanilang pagkatuto ay hindi lang limitado sa itinuturo sa loob ng silid-aralan.

Bilang isang gradweyt at kasalukuyang guro ng UP, masasabi kong may pagmamalaki akong nararamdaman tuwing nababalitaang may isa na namang taga-UP na kinilala sa larangang pinili niya. (Siguro’y maisasakonteksto mo na ang minsa’y kayabangan ng mga kakilala mong gradweyt ng UP.)

Pero may mga taga-UP pa ring hindi man napapabalita sa midya ang kanilang mahusay na gawain, patuloy pa rin ang pagtanaw ng utang na loob sa kanila ng mga ordinaryong mamamayang pinagsisilbihan nila.

Makikita silang tahimik na namumuhay sa piling ng mahihirap nang hindi iniinda ang kawalan ng marangyang kabuhayan. Pinili nila ang simpleng pamumuhay, at doon nila nakita ang hindi masukat na ligaya.

Sa okasyon ng ika-100 taon ng UP, sana’y tandaan nating may mga ganitong klaseng gradweyt na pinili ang ganitong klase ng pamumuhay. Sila ang dapat na mas kilalanin bilang modelong gradweyt ng UP. Kumpara sa mga pinili na lang magpayaman at kalimutan ang kinagisnan, hindi nila inisip ang pansariling interes kundi ang kanilang magagawa para sa makabuluhang pagbabago.

Hindi kahangalan ang hangaring baguhin ang mundo. At lalong hindi kalokohan ang pumunta sa kanayunan para mas epektibong ipaglaban ang isang paninindigan. Sa UP, gusto kong isiping araw-araw na pinag-uusapan ang mga bagay na ito.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa [1] www.dannyarao.com.


Article printed from Rising Sun: http://risingsun.dannyarao.com

URL to article: http://risingsun.dannyarao.com/2008/06/18/kagalingan-ng-isang-taga-up/


Start:     Feb 20, '07
End:     Mar 8, '07
Location:     UP Faculty Center

3rd Part of Exhibit Series on Political Killings Slated at UP

References: Karen Ocampo Flores, TutoK Project Director (09189002682)
Mideo M. Cruz, Perspektiba Lead Curator (09278818515)


The third part of Perspektiba, a series of exhibits on political killings by the artists’ group Tutok Karapatan (TutoK), has been scheduled for Feb. 20-March 8, 2007 at the Faculty Center Galleries and Hardin ng mga Diwata, University of the Philippines (UP) in Diliman, Quezon City.

TutoK had wrapped up early December its successful exhibit on the same theme, dubbed Perspektiba 1, at the Beato Angelico Gallery of the University of Santo Tomas. Persektiba 2, meanwhile, ran Jan. 9-23 at the Amrhein Gallery, St. Scholastica’s College.

Perspektiba 3 will open at 2:30 p.m. on Feb. 20. The opening will be held simultaneously with a launch of the national catalogue of SUNGDU-AN 3: Making The Local, a project of the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) National Committee on Visual Arts.

Perspektiba 3 is expected to be the biggest in the three-part series of exhibits – featuring works by Anting Anting, Antipas Delotavo, Benjie Torrado Cabrera, Benjo Elayda, Boy Dominguez, Claro Ramirez, Cos Zicarelli, Dennis Gonzales, Don Dalmacion, Don Salubayba, Ed Manalo, Iggy Rodriguez, Jason Montinola, Jason Moss, Jef Carnay, Jeho Bitancor, Jose Tence Ruiz, Jun Cruz Reyes, Leonard Aguinaldo, Lia Tayag Torralba, Lindslee, Lito Mondejar, Lynard Paras, Maan de Loyola, Mark Ramsel Salvatus III, Marlon Reyes, Mervy Pueblo, New World Disorder, Niño Tagaro, Pampanga Arts Guild
Tatong Recheta Torres, UGATLahi, Vivian Limpin, Wesley Valenzuela, Wire Tuazon, and Yko Umadhay III.

As part of Perspektiba 3, a forum and live action performances will be held on Feb. 27 and March 1, respectively.

The forum will be held 2:30-5:30 p.m. on Feb. 27 at the C.M. Recto Hall, with Dr. Alice Guillermo and Dr. Felipe M. de Leon, Jr. as speakers.

The live action, which will be held 2:30-5:30 p.m. on March 1, will feature performances by Jef Carnay, Jeho Bitancor, Noel Pama, UGATLahi, and Wire Tuazon.

TutoK was formed in late 2005 after an artists’ workshop in Quezon City on women, art and healing, as a response to what the participants described as the “deteriorating” human rights situation in the country.

Based on data from Karapatan (Alliance for the Advancement of People’s Rights), there have been more than 800 victims of extrajudicial killings from January 2001 – when President Gloria Macapagal-Arroyo assumed power through a popular revolt – to February 2006.

Meanwhile, Karapatan has recorded more than 200 cases of forced disappearances for the same period. #

DAGLI SA KRISIS*
Trivia 'bout Diff'rent Universities, Colleges in RP
(Walang Pikunan. Joke Joke Joke Lang!)
NI ROLAND TOLENTINO
 
Mahirap Lahat
 
Sa UP, mahirap ang Math.
Sa Ateneo, mahirap ang English.
Sa La Salle, mahirap ang parking.
Sa Assumption, mahirap ang walang pera.
Sa UST, mahirap umuwi kapag baha.
Sa St. Scho, mahirap sumakay sa LRT.
Sa San Beda, mahirap maging lalaki.
Sa bayan, mahirap ang buhay.
 
Where To Go To College?
 
If you have a lot of brains and a little money, go to UP.
If you have some brains and some money, go to Ateneo.
If you have no brains and lots of money, go to La Salle.
Pero kapag nagtaas na sa komersyal na antas ang matrikula sa UP, kahit may utak ka kung wala kang pera, wala ka nang mapupuntahan.
 
Christmas Spirit
 
A few days before Christmas, the Monsignor thought it would be a good idea if he solicited the support of a number of the Catholic schools to get together to create a Nativity Scene in time for the Christmas Mass. The day before Christmas, the Monsignor discovered that the Nativity Scene was still incomplete so he made a few inquiries on why this was.
So Ateneo reported it would come up with only two and not three wise men.  La Salle reported it couldn't come up with even a single wise man.  Maryknoll reported it couldn't come up with a single virgin. San Beda reported that it could only come up with three wise gays. UP reported that they killed the three wise men.
Kung si GMA ang tatanungin, nabili na niya ang tatlong hari para hindi siya i-impeach.  Kung militar, ay! tignan na lamang ang kulang sa 800 na politikal na pinaslang.
At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko, tayo ay magbigayan.
 
Pasikatan ng Gradweyts
 
UP:  A number of past Philippine presidents graduated from UP. Presidents Roxas, Quirino, Laurel, Garcia and Marcos, to name just a few!
 
Ateneo:  Hah! That's nothing, a number of Ateneo graduates became national heroes like Jose Rizal, Gen. Gregorio del Pilar, Gen. Antonio Luna, Evelio Javier and many others.
 
UP:  That just goes to show you, UP graduates become presidents and lead countries while Ateneans end up getting shot!
 
La Salle:  Wala 'yan.  Talo kayo sa mga gradweyt namin!
 
UP & Ateneo:  Bakit, sino ba mga graduates ninyo?
 
La Salle:  Aba!  Marami kaming sikat na gradweyts:  si Gary Valenciano, Dingdong Avanzado, Ogie Alcasid, Monsour del Rosario…
 
Paaralan ng Lansangan:  Edgar Jopson, Emmanuel Lacaba, Lean Alejandro, Karen Empeño….  (idagdag ang iba pang pangalan).
 
How To Identify A La Sallite
 
                Pumasok sa isang tindahan sa Megamall ang isang La Sallite at nagsabi, "Miss, pabili nga ng green parrot, please."  Tumingin sa kanya ang saleslady at nagtanong, "Sir, taga-La Salle ba kayo?"
                "O, bakit mo naman natanong 'yan?  Kung umorder ba ako ng blue cheese ay taga Ateneo na ako?  I don't think so.  Kung ako ba ay bumili ng maroon na t-shirt, ibig bang sabihin noon ay taga-UP na ako?  I think not.  Kung nagtanong ba ako ng red dawn ay taga-Paaralan na Lansangan na ako?  Me thinks not.  Kaya bakit mo ako tinatanong kapag bumibili ako ng green parrot kung taga-La Salle ako?"
                "E sir," sagot ng saleslady, "flower shop kasi ito."
 
Paano Mo Alam Kapag Nakita Mo?
 
                Sa isang malaking party ng Philippine Society of Colleges and Universities, and Pangulo ng Board ay nagtaka kung ano ang mga partikular na eskuwelahan ang dumalo sa malaking selebrasyon.  Kaya nagtsek siya sa pinagaganap na bahay, at hulaan ninyo kung ano ang nakita niya at kung saan niya nakita ang mga ito?
                UP Diliman – ang lahat ay nakapila sa hanay sa attic para magkaroon ng fraternity ritual
                UP Los Baños – nasa hardin at naggugupit ng damo
                UP Manila – lahat ay "naka-droga"
                Ateneo – nasa loob sila ng TV room na may mikropono at nagtsa-chant ng "Blue Eagle" spelling
                La Salle – nag-uusyoso sila
                San Beda – ang iba ay katabi ng Ateneans, ang iba ay katabi ng Paulinians
                St. Paul – akala nila ay ang katabi nila ay taga-Ateneo
                La Consolacion – gusto sana nilang maging Paulinians
                Holy Spirit – gusto nila ang Paulinians
                Miriam – katabi sila ng kwarto ng Ateneans, tulad ng dati
                Assumption – nasa loob sila ng banyo tatlong oras na simula nang dumating sila
                St. Scholastica – sila ang nakapilang kasunod na gagamit ng banyo
                CEU – ang iba ay naghuhugas ng pinggan, ang iba ay busy na naglalaba
                St Louis – lahat sila ay nasa harapan ng air con
                UE – hindi nila alam kung ano ang air conditioner
                UST – nakakalat sila sa bahay
                FEU – wala sila sa bahay
                MLQU – ay! hindi sila imbitado.
                San Sebastian – paano sila nakalusot sa mga gwardya?
                Letran – sila ang mga gwardya
                Mapua – busy sila sa pag-ayos ng tulo sa bubong
                TIP – sila ang nambato sa bubong kaya tumutulo
                NU – nasa labas sila ng bahay at nagbebenta ng sigarilyo
                JRC – sila ang bumibili ng yosi
                Adamson – nagpunta na lang sila sa Luneta
                Sta. Isabel – sila ang mga date ng taga-Adamson
                UA&P – "para saan ba itong party na ito?"
                PSBA – "ano ba ang UA&P?"
                NCBA – "ano ba ang NCBA?"
                AMA – pinaparada nila ang Jolina posters
                Paaralan ng Bayan – nagmi-meeting sila sa kabilang kwarto, nagplaplano ng rally.
 
A Murder Mystery (to be solved solely on the basis of pure logic)
 
Sino ang pumatay?
Mga pinagsususpetsahan: 
The Humble Atenean
The Bright La Sallite
The Innocent Maryknoller
The Unaffected Assumptionista
Ang Aktibista sa Klase
The UP Graduate
Ang maysala:  The UP Graduate
Ang lohika:  Wala namang humble na Atenean, matalinong La Sallite, inosenteng Maryknoller, hindi naapektuhan na Assumptionista, at Aktibista sa loob ng klase.
 
Bulatlat
------------------------------
(Ang maikling kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito. )

Blog Entrythe god of inane thingsNov 26, '06 10:13 PM
for everyone
today, my little prayers involve all things of consequence and just plain rubbish.

1. not get called today for Obligations and Contracts. as usual, I haven't lifted a finger the whole weekend and my stack of cases have become as good as fodder for termites.
2. not get into traffic on my way to Rockwell. the driver's off to my mum's office and I've to take public transpo while lugging 40 lbs worth of fresh laundry and groceries (pantry-raiders, unite!)
3. not get lost on my way to Tiendesitas tonight for the Ship for South East Asian Youth Program (SSEAYP) party. we have two girls staying in our home -- Archna, a People's Association Leader from Singapore, and Malathi, a Community Leader from Malaysia. both are of Indian descent but migrated to their present home countries. last night, we went shopping with them while discussing Bollywood, etc.
4. not spend too much on pizza and pasta this week. last week, my allowance was frittered away via Pazzo (Powerplant Mall), Amici di Don Bosco (Pasong Tamo/Chino Roces) and Pizzeria _______ (Jupiter St.).
5. not stress too much about how my Sunday morning visit to UP Diliman could determine the outcome of the next 5 years of my adult life.

in other words, my hope and my prayer is just to be still and know that He is God.

Blog EntryVandalism sa Peyups =)Nov 5, '06 8:50 AM
for everyone
ayan, sabaw-sabaw muna. nakakatawa, sobra.

FA Wall:
"nobody cares"
somebody answered:
"not even the carebares?"
then another:
"not even kier?"
then:
"not even zoren?"
lastly:
"not even zorro?"
all written by different people.


AS:
AS chairs:
"push button to eject seatmate"

"push button to eject urself"

“push button to kill teacher.”

"push button to eject teacher"
....reply: "it's jammed! We're doomed!"


AS cubicle:
"Donate your bulbol here.." tapos may chewing
gum
na pagdidikitan. ...

AS chair :
“you know bobo? bobo is you!”

AS 1st floor CR:
“if you forget the past, then you porget the
purious..”

AS 1st floor CR uli:
“ Im a simple gay “
tapos me sumagot
“sira! Dapat ‘Im simple and gay!’ Taga peyups ka
ba? duh! “
tapos me sumagot ulit (with matching arrow pa na
nakaturo dun sa reply)
“sira ka rin! yung simple is used as an adjective
tapos yung gay is used as a noun. kaya ok lang
yung simple gay nya!”


CHEM:
Chem chair:
“push button to spray acid on prof’s face.”

Another chem chair:
“You Boron!!!”


BIO:
Bio chair:
"Push cadaver to haunt teacher.”


FO Santos:
“SA MGA NAGTATAPON NG BASURA DITO...
bawal.”


ENG’G:
Sa Men's CR, facing the urinal:
"Hawak ko saking mga kamay ang kinabukasan
ng bayan!"
Reply:
"the future you are holding is very small."


GAB:
sa likod ng armchair sa isang room sa GAB:
“takas ng ward 7”

sa math building, sa likod ng isang “teacher’s
chair” sa 3rd floor:
“BABALA: asawa ni babalu”

sa math 3rd floor, sa isang upuan uli.
"you'll NEVER find what you're looking for"
May nag-reply:
"find x."

sa math 3rd floor, sa isa pang upuan uli.
nakasulat sa armchair:
“F*CK DA WORLD! “
ta's may sumagot:
“F*CK U TOO!
--WORLD—“

3rd floor math cr:
"kaibigan, pagkapatos mong umihi, paki PLUS mo
naman, hehehe."


UPIS
sa loob ng music room.
“maam _______(music prof) boses palaka! “
tas may sumagot
“nakarinig ka na ba ng boses ng palaka “
tas may sumagot uli
“weh “
tas may nag-react uli
“oo, sabi kokak!kokak!”


VINZONS:
Wall ng vinzons
"Do not steal. The government hates competition"

men's cr sa Vinzon’s:
"remember: the hands that clean this toilet are
the same hands that cook your food."

men's cr waaaay above the urinal:
"if you can reach this, the fire department wants
you!"


NIGS:
sa isang upuan:
"f*ck nigs!"
may nagreply:
"who's nigs?"


MAIN LIB
Sa isang lamesa ng main lib, filipiniana section:
“UP STUDENTS HAS BECOME PATETHIC"
tapos may sumagot...
"mali pang grammar at spelling mo, halatang di ka
taga UP"

KALAI:
nietzsche-"god is dead"
God- "Nietzsche is dead!"


SC:
sa labas ng PNB:
“in case of emergency break ass and push butt”

sa girls’ CR:
“Bawal ang vandal Dito!...
Mommy said: First Aid Terramycin”

sa girls’ CR uli:
“My boyfriend and I had sex and now I’m pregnant”
Reply:
“Pray to God”

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help